Example no. 1
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng
kabihasnan
2. Napahahalagahan ang mga sinaunang kabihasnan
(Sumer, Indus, Shang)
3. Nalalaman ang ilan sa mga ambag ng mga sinaunang
kabihasnan.
II. Nilalaman
Paksa: Sinaunang kabihasnan sa Asya
Sanggunian: ASYA; Pagkakaisa sa Gitna ng
pagkakaiba, Modyul para sa mag-aaral; Pahina 112-115
Kagamitan: Visual aids, Libro, Tape, Puzzle
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Pagtatala ng Liban
- Balik Aral
*Wika Rambulan
Ang mga mag-aaral ay hahayaang ayusin o
sagutin ang mga salitang nakasulat sa manila paper.
B. Panlinang na Aralin
1. Paano nagsimula ang Kabihasnang Sumer?
2. Bakit mahalaga ang ilog sa kanilang pang
araw-araw na pamumuhay?
3. Bakit naging mahiwaga ang paglaho ng
kabihasnang Indus?
4. Gaano kahalaga ang oracle bone sa
Kabihasnang Shang?
*Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na
pangkat at ang bawat pangkat ay hahayaang buuin ang puzzle.
C. Pangwakas na Gawain
-Paglalagom
1. Anu-ano ang mga sinaunang kabihasnan sa
Asya?
2. Magbigay ng ilan sa mga ambag ng tatlong
kabihasnan.
3. Ibigay ang Ilog na mahalaga sa bawat
kabihasnan.
IV.
Buuin mo ako!
Panuto: Kumpletuhin ang salita na tinutukoy
sa bawat numero.
_U__T____1. Sistema ng pagsulat ng mga
Sumer.
____R 2. Unang lungsod-estado ng Mesopotamia.
_____RA_ 3. Istrukturang nagsilbing templo
ng kanilang diyos.
V. Kasunduam
Basahin at unawain ang teksto sa pahina
121-124. Sagutan ang Pamprosesong Tanong.
Batayan:
ASYA; Pagkakaisa sa Gitna ng pagkakaiba, Modyul
para sa mag-aaral.
Example no. 2
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
I. Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng Globalisasyon
2. Naipapaliwanag ang mahahalagang konsepto
at perspektibo ukol sa Globalisasyon.
3. Naibibigay ang sariling opinyon ukol sa
Globalisasyon
II. Nilalaman
Paksa: Ang Globalisasyon
Sanggunian: Modyul sa Kontemporaryong Isyu
Kagamitan: Visual Aids, Tape
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
- Pagtatala ng liban
- Balik Aral
*Guess the Logo
Ang mga mag-aaral ay kaylangan tukuyin ang
mga produkto o serbisyo gamit ang mga logo.
B. Panlinang na Aralin
1. Ano ang Globalisasyon?
2. Anu-ano ang mga mahahalagang konsepto na
nakapaloob dito?
3. Paano nasabing ang Globalisasyon ay isa
sa isyung kinakaharap ng ating lipunan?
*Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang grupo
at ang bawat miyembro ay kailangang maglabas ng gamit at kanilang tutukuyin kung
saang bansa ito nagsimula.
C. Pangwakas na Gawain
- Paglalagom
1. Magbigay ng ideya tungkol sa salitang Globalisasyon
2. Bakit sinasabing matagal ng may Globalisasyon?
3. Sa mga pananaw at perspektibo na inihain,
alin sa mga ito ang sa iyong palagay ay katanggap tanggap? Pangatwiranan.
IV. Pagtataya
Sanaysay:
Bilang isang mag-aaral, ibigay ang sariling
pananaw ukol sa Globalisasyon
V. Kasunduan
Magsaliksik ukol sa iba't ibang anyo ng Globalisasyon
pati ang mga nakapaloob dito.
Batayan:
Modyul sa Kontemporaryong Isyu
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento