Banghay
Aralin
sa
Araling
Panlipunan 10
(Kontemporaryong
Isyu)
I.
Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. Nasusuri
ang mga uri ng kasarian; gender at sex
2. Napahahalagahan
ang iba’t ibang uri ng kasarian sa ating lipunan
3. Naipapakita
ang iba’t ibang sitwasyon na nararanasan ng mga
LGBT sa pamamagitan ng isang maiksing pagsasadula
II.
Paksang Aralin
Paksa: Konsepto ng Kasarian
Sanggunian: Modyul sa Kontemporaryong
Isyu; Pahina 266-268
Kagamitan: Laptop, Projector, Tape, Visual
Aids
III.
Pamamaraan
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
A.
Panimulang Gawain
a.
Panalangin
Amen.
b.
Pagbati
Magandang umaga
Grade 10!
c.
Pagtatala ng Liban
Monitor,
sino ang liban ngayong araw?
Mahusay!
Ngayon, bago tayo tumungo sa ating bagong aralin magbalik aral muna tayo. Ano
ang nakaraan nating paksa?
Ano
ang migrasyon?
Ano
ano ang dahilan ng pagkakaroon ng Migrasyon?
Mahusay!
Ngayon ay maaari na tayong tumungo sa ating panibagong paksa.
d.
Pagganyak
Ang mga babae ay magsasama sama sa kanang
hanay at ang mga lalaki naman ay magsama sama sa kaliwang hanay.
Kumuha
kayo ng papel at isulat doon ang inyong mga katangian bilang isang babae (sa
mga kababaihan) at bilang isang lalake (sa mga kalalakihan)
Pipili
ang guro ng mga mag-aaral na syang magsusulat sa pisara ng kanilang
katangian.
e.
Paglalahad o Talakayan
Sa
inyong palagay, ano ang ating magiging paksa ngayong araw?
Tama
ang ating talakayan ay ukol sa Konsepto ng Kasarian. Ano ang kasarian?
Tama!
Ngayon alamin natin ang kaibahan ng gender at sex. Ano ang sex?
Tama!
Ano naman ang gender?
Mahusay!
Sa pagtalakay ng konsepto ng kasarian, nakalakip dito ang tinatawag na SOGI o
ang Sexual Orientation and Gender Identity. Ano ang sekswal na oryentasyon?
Magaling! Ang
gender identity naman ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma
sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya
sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang
pananamit, pagsasalita, at pagkilos. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring
maiuri bilang heterosekswal at homosekswal. Ano sa tingin nyo ang
Heterosekswal?
Magaling! Ito ay
ang mga lalaking gustong makatalik ang mga babae at mga babaeng gusto naman
ay lalaki. Ano naman ang Homosekswal?
Tama! Ito naman
ang mga lalaking mas gusto ay kapwa nila lalaki, at babaeng mas gusto ay
kapwa nila babae.
Bukod sa lalaki
at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual at
transgender o mas kilala bilang LGBT. Ano ang lesbian o tomboy?
Magaling! Ito ay
mga babaeng may pusong lalaki at kumikilos na lalaki, sila ay tinatawag tibo
at tomboy. Ano naman ang Gay?
Mahusay. Ang mga
gay ay ang mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki;
may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae. Ano ang naman
ang pagkakaintindi nyo sa mga bisexual?
Tumpak! Ano
naman ang mga kabilang sa transgender?
f.
Paglalahat
1.
Ano ang kaibahan ng Gender at Sex?
2.
Ano ang pinagkaiba ng Sexual Orientation at Gender
Identity?
3.
Paano nakakaapekto ang pagkakaroon ng iba’t ibang
kasarian sa ating lipunan?
g.
Paglalapat
(Pangkatang Gawain)
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na
grupo at magtatanghal ng isang maiksing pagsasadula kung saan magpapakita
sila ng iba’t ibang sitwasyon na nararanasan ng mga LGBT.
Pangkat 1- Gay
Pangkat 2- Lesbian
Pangkat 3- Bisexual
Pangkat 4- Transgender
|
Our
Father, who art in heaven, hallowed be thy name: thy kingdom come, Thy will
be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread and forgive
us our trespasses as we forgive those who trespass against us and lead us not
into temptation but deliver us from evil. Amen
Magandang
Umaga din po ma’am jhoanna.
Wala
po ma’am.
Tungkol
po sa Migrasyon.
Ang
Migrasyon po ay tumutukoy sa paglipat o pag-alis ng isang tao sa isang lugar
patungo sa panibagong lugar o bansa.
Dahil po
naghahanap buhay.
Dahil po para sa
seguridad nila upang makalayo sa kapahamakan.
Dahil po
maaaring may kamag-anak sila sa lugar na kanilang lilipatan at kinuha na sila
upang doon din manirahan.
(Magsisilipat ng
upuan)
Tungkol po sa kasarian
Ito po ang
pagtukoy kung babae o lalake ang isang tao
Ang sex po ay
tumutukoy sa kasarian kung lalaki ba o babae. Ito ang biyolohikal at pisikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki.
Ang gender naman
po ay tumutukoy sa mga panlipunang gawain,
kilos at gampanin na itinakda ng lipunan para sa mga lalake at babae.
Ito po ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal.
Ito po ang
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng
kanya, o iba sa kanya o kasariang higit sa isa.
Ito
po ay ang mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian.
Ito
po ay mga taong nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang
sa katulad na kasarian.
Sila
ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki
Mga
lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.
Sila
po yung mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian, sa lalaki
at sa babae.
Ang
mga transgender po ay yung mga taong nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa
maling katawan, ang kaniyang isip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
(Ideya ng mga Mag-aaral)
(Magsisipagtanghal)
|
IV.
Pagtataya
PANUTO:
Ibigay ang hinihingi sa bawat tanong.
___________1.
Ito ang tumutukoy sa boyolohikal at pisyolohikal na katangian ng nagtatakda ng
pahkakaiba ng babe sa lalaki.
___________2.
Ito ang pagtukoy sa panlipunang gampanin na itinakda ng lipunan para sa mga
babae at lalake.
___________3.
Ito ang malalim na pakikipagrelasyon sa taomng ang kasarian ay maaaring katulad
ng kanya o kabaligataran ng kanyang kasarian.
___________4.
Ito ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang
pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak
___________5.
Ito ay yung mga taong nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang
kaniyang isip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
___________6.
Sila yung mga lalaking nakakaramdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki.
___________7.
Ito ay mga babaeng may pusong lalaki at kumikilos na lalaki.
___________8.
Ito ay ang mga lalaking gustong makatalik ang mga babae at mga babaeng gusto
naman ay lalaki
___________9. Sila yung mga taong nakakaramdam
ng atraksyon sa dalawang kasarian, sa lalaki at sa babae.
___________10.
Ito naman ang mga lalaking mas gusto ay kapwa nila lalaki, at babaeng mas gusto
ay kapwa nila babae.
V.
Kasunduan.
Magsaliksik
ukol sa papel ng mga babae at lalaki sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan ng
Pilipinas. Itala ito ayon sa pagkakasunod-sunod:
1. Panahong
Pre-Kolonyal
2. Panahon
ng Espanyol
3. Panahon
ng Amerikano
4. Panahon
ng Hapones
5. Kasalukuyang
Panahon
Batayan: Modyul sa Kontemporaryong Isyu 10
REFLECTION
In my best lesson plan using creative
strategy, I have objectives that the students will know how to differentiate
the gender from sex, know the importance of the different genders that exists in
our society, and they can show different situations that LGBT's have experienced
through a short play. I choose this lesson because I know that many of my
students can relate, LGBT as a topic is familiar to everyone and I want to show
them why there are these kind of people. I show them a video clip in every gender
that we've tacle, for them to be aware of the situations that LGBT's encountered
in this society. After they know the differences of it, it is their time to
show me what they learn from our lesson by doing a short play. I can know how
they give importance and what their conclusions about LGBT.
salamat sa malaking tulong...godbless
TumugonBurahin